Recent Articles

Showing posts with label Poetry. Show all posts
Showing posts with label Poetry. Show all posts

Pagod




Hindi sa lahat ng oras at panahon ay malakas ka.
Darating ang pagkakataong mapapagod ka at magiisip Kung para saan nga ba ang lahat ng iyong pagpapagal.
Datnan man ng hapo, di pa rin sapat na rason upang sumuko.
Pansamantalang magpahinga, magpalamig at magmunimuni.
Nang sa gayo'y lakas ay manumbalik muli.
Muling bumangon sa pagkakalugmok.
Tuloy ang laban hanggang makamit ang tuktok .

#NocturnalSaint #UlikbaDiaries #BiyaherongNoypi #ByaherongNoypi

















Please Consider liking Ulikba Diaries by NocturnalSaint for updates of our travel adventures, tips and recommendations. Please also consider donating for the maintenance of this website.

 
Follow my social meadia accounts using the handle @NocturnalSaint






Parang Bula



PARANG BULA

Minsan parang bula na gusto mo na lang maglaho
Upang hindi makita ng iba nakatagong 
kirot sa puso
Maging parang ibon na sa himpapawid ay malaya
Walang anumang kalungkutang iniinda
Pilit mang sabihin na ikaw ay masaya
Pilit ding kumakawala ang luha 
sa iyong mga mata
Bakit di mo na lang aminin na nasasaktan ka?
Kung sabagay, para saan pa nga ba?
Paghihirap mo ay walang kabuluhan
Di ka nga niya magawang sulyapan man lamang
Bakit ba pilit kang nagpapakatanga
Sa isang taong may kasama ng iba?
Bakit pilit pinagsisiksikan ang sarili 
Gayong siya ay may iba ng napili?
Kailan iwawagayway ang puting bandila?
Kailan mo sasabihing 'ayaw ko na'?
Subukan mong palayain ang pusong pagod na
Subukan mong tanggapin pagmamahal 
mula sa iba
Hayaan ang sarili na makadama 
ng tunay na ligaya
Nang sa gayo'y may maibahagi ka sa iba













Please Consider liking Ulikba Diaries by NocturnalSaint for updates of our travel adventures, tips and recommendations. Please also consider donating for the maintenance of this website.

 
Follow my social meadia accounts using the handle @NocturnalSaint






Ang Puso ni Tanga


Ang Puso ni Tanga

Pilit mang ibaling ang atensiyon sa iba
Ikaw pa rin ang hanap ng pusong tanga
Dulot mo ay parang 'pulang kabayo' na sadyang kakaiba ang tama
Pilit mang limutin, pilit mang lumayo, 
Hindi naman magawang tumakbo
Anong pasikotsikot man ang tahakin ang hantungan ay pabalik pa rin sayo
Pilit mang kumawala, marinig ko lang pangalan mo ako'y nanghihina
Ayan na naman si tanga at laging aligaga
Lahat ay gagawin para sa taong mahal niya
Ngunit di naman pansin ang iyong halaga
Pilit nagpapakaalila samantalang ang isa ay nakatoon ang atensiyon sa iba
Kailan ka ba matututo?
Kailan magigising sa katotohanang kailan man ay di magiging kayo?
Sabi mo di ka umaasa ngunit puso mo'y nangungulila
Hanggang kailan ka magtitiis?
Hanggang kailan ka tatangis?
Hanggang kailan ka mabubuhay sa iyong masamang managinip?
Hanggang kailan magpapanggap na masaya?
Hanggang kailan aasa sa wala?
Kailan masasabi na tunay ngang ika'y malaya?


Created on 20180208-01:50





























Please Consider liking Ulikba Diaries by NocturnalSaint for updates of our travel adventures, tips and recommendations. Please also consider donating for the maintenance of this website.

 
Follow my social meadia accounts using the handle @NocturnalSaint






Pahinga




Pahinga


Kailan man ay hindi naging nakakapagod magmahal

Patuloy pa rin ang pagtibok ng pusong pangalan mo ang sinisigaw

Ang nakakapagod ay ang paulit-ulit na masaktan

Dahil na rin na sa sariling kahibangan at katangahan

Pansamantalang ipapahinga ang pusong labis na nasugatan

Ngunit hindi ito nangangahulugan ng pagtaas ng puting bandila at pagsuko na lang sa laban

Ito ay pansamanta upang bigyang pagkakataon na maghilom ang mga sugat na tila kailanman ay di na malulusan.


























Please Consider liking Ulikba Diaries by NocturnalSaint for updates of our travel adventures, tips and recommendations. Please also consider donating for the maintenance of this website.

 
Follow my social meadia accounts using the handle @NocturnalSaint





Panahon Ang Makapagsasabi




Kasabay ng pagbagsak ng ulan ay ang pagpatak ng luha mula sa mga mata

Di mapigilang agos ng damdamin ang lumulunod sa pusong nangungulila

Pilit mang maging masaya ay sadyang di maikakaila ang kirot na dinadala

Sa likod ng matatamis na halakhak at ngiti ay ang mapait ng paghikbi

Kailan matatapos? Kailan mapapawi?

Tanging panahon na lang ang makapagsasabi









Please Consider liking Ulikba Diaries by NocturnalSaint for updates of our travel adventures, tips and recommendations. Please also consider donating for the maintenance of this website.

 
Follow my social meadia accounts using the handle @NocturnalSaint





That Someone



It's not everyday that you will find someone who will change the rhythm of the beat of your heart,
Someone one who will make you change your perspective in life,
Someone who will bring butterflies to your stomach,
Someone who will inspire you to dream bigger,
Someone who will make you believe that dreams to come true,
And someone who will make you restore your faith in love.

However that someone can also be the cause of your greatest heartbreak,
The one who will make you a great actor,
The one who will cause your sleepless nights,
The one who will bring tears to your eyes,
The one who will make you say, "I wish I just never knew what love really means."














































Please Consider liking Ulikba Diaries by NocturnalSaint for updates of our travel adventures, tips and recommendations. Please also consider donating for the maintenance of this website.

 
Follow my social meadia accounts using the handle @NocturnalSaint





Ticket



Sa kakahanap mo ng tunay na pag-ibig,
madalas ay nalilito ka na.
Marami kang hinahanap at marami kang gusto.
Hindi mo na mawari kung alin nga ba ang totoo at alin mapagkunwari.
Alin ang pangmatagalan at alin ang panandalian?
Madalas nabubulag ka sa pisikal na aspeto ng tao,
Sa katayuan sa buhay at kakayahan nito.
Ngunit ang tanong, "lahat nga ba ng ito ay totoo?"
Minsan abot kamay mo na ang iyong hinahanap,
minsan nga hawak mo na sa iyong mga palad.
Ngunit dahil sa kakalingon iba, Ito ay biglang nakakawala.
Tulad ng ticket. Isang kapirangot na papel na tila walang halaga.
Ngunit ng bitawan mo nawala rin ang susi na magbubukas ng pinto patungo sa tunay na ligaya.
































Please Consider liking Ulikba Diaries by NocturnalSaint for updates of our travel adventures, tips and recommendations. Please also consider donating for the maintenance of this website.

 
Follow my social meadia accounts using the handle @NocturnalSaint





Kahit Ilang Beses


Kahit Ilang beses mo pang sabihin na "sanay na akong masaktan", hindi mo maikakaila sa sarili mo na nasasaktan ka pa rin.
Kahit ilang beses mo pang sabihin na "sanay na akong mag-isa", hindi mo maitatago ang katotohanan na umaasa  ka pa rin na sana may makatagpo kang makakasama.
Kahit ilang beses mo pang sabihin na "hindi na ako umaasa", sa likod ng bawat ngiti ay ang pusong patuloy na nangungulila.
Ayos lang ako dahil mas pinili kong magpakatanga para sa isang pag-ibig na lumuha man ako ng dugo ay di ko makukuha. 

We are also on Facebook!

Choose your topic!